Pagpasok sa opisina ng alas siete, pumped na pumped akong magtrabaho. At the same time, gusto ko na agad umuwi. Holiday mode na kasi ang lahat ng tao. Kahit antok na antok na ako, pinilit kong tapusin lahat ng trabaho for the week. Minsan lang naman mag-4-day holiday. At dahil tsinismisan pa ang ako ng friend kong si W tungkol sa kanyang masalimuot na lovelife, past 7pm na ako nakaalis ng opisina. At dahil sira ang ulo ko, I decided on the last minute na gusto ko palang maghanda ng dessert at i-oven instead na i-grill ang salmon na katerno ng couscous. So dumaan pa ako ng supermarket. Kahit medyo maraming tao, sandali lang ako doon at nakaalis agad. Naloka lang ako dahil ang haba ng pila sa taxi. I figured, 'Adventure 'to... Bus na lang ulit.'
I've never taken the bus that late. Hindi ko alam kung standing room na ba o kung ma-trapik, lalo na ngayong bisperas. Keblar. I need to go home now. Swerte naman, may upuan sa unahan. Weird lang dahil talagang deadma sa akin ang konduktor. 'Ayos 'to. Ma-try ngang mag-123.' Bumaba na't lahat ang mamang katabi ko, deadma pa rin sa akin ang konduktor. 'Aba, mukhang makakalusot a.' Kahit halos wala nang sasakyan sa daan, syempre, hindi kasali duon ang EDSA. At dahil wala akong suot na contact lens, nagmistulang Christmas lights ang mga tail lights ng mga nakapilang sasakyan sa na nagsisiksikan sa EDSA, nag-uunahang makauwi para sa Noche Buena. Maya-maya, sumakay ang isang babae. Malapit na akong bumaba. Hmmm... deadma rin s'ya. Ayaw pang magbayad. By this time, medyo nagui-guilty na ako. 'Ano ba 'yan, Php11 na nga lang, mag-123 pa ba?' Pagdating ng Shangri-la, kinalabit ng babaeng ang konduktor pagbalik n'ya sa harap. 'Hmph! Sige na nga, magbabayad na ako.' Mantakin no 'yun, malapit na akong bumaba, makonsensya pa ako?! Naisip ko, ipa-laminate ko kaya ang lekat na tiket ng bus? Tanda na hindi nga 'ata talaga ako pwedeng maging hustler. Oh well, I'll try again next time. Ma-try lang kahit minsan. Hehehe!
Pagbaba ng Megamall, sarado na. Hindi na nagpapalusot palabas sa kabilang side. actually, 7pm pa sila sarado. So umikot pa ang beauty ko hanggang makarating sa terminal ng shuttle. Pagdating ko doon, wala na halos mga sasakyan. Walang shuttle, pero maraming pila. Uh-oh. 'May babalik pa kaya???' Panic mode on. 'Magluluto pa ako!!!' I'm stuck. Nowhere to go. Naghihingalo pa ang baterya ng cell phone. Syempre, para mas maganda daw ang effect, umaambon! Hassle. Nag-text ako sa asawa ko para magreklamo, sa nanay ko para magbilin at sa tatay ko para sana sunduin ako. Nilibang ko na lang ang sarili sa kakabilang ng kung ilang oras na lang ako meron para mag-set ang gelatin at sa pagpaplano ng kung ano'ng uunahing gain paguwi ko. Pagkaraan ng ilang balik ng mga shuttles, nakasakay na rin ako sa wakas.
Tuloy pa rin ako pagtetext sa van. Feeling executive chef akong nagbibilin sa nanay ko ng mga pwede na n'yang gawin habang wala pa ako. Sinagot ko ang tawag ng erpats ko at parang teenager na nag-report kung nasaan na ako. Sabay balita rin sa asawa ko ng mga kakatwang pangyayari ng gabi para naman matawa sa halip na ma-bad trip. Muntik pang madisgrasya ang lekat na shuttle -- twice. Ci-nut ng sira ulong taxi, at siningitan ng suicidal na nakamotor. Sabay tingin ko naman sa bintana sa kaliwa to find a car... and it's bumper several meters away. 'Ayos... Merry Christmas sa inyo.'
Makaraan ng prosisyon (meaning, traffic) sa may Sta. Lucia at isang sakay ng tricycle, nakauwi rin ako sa wakas. Hapit sa luto ang beauty ko! Fortunately, things ended well at successful naman ang aming hamak na Christmas dinner.
Sulit naman ang adventure. Naisip ko, baka naging boring pa ang pasko ko kung hindi dahil doon... kaya check na rin! :)