Thursday, December 09, 2004

Gusto mo bang malaman ang pakiramdam ng isang hand towel na nakasabit sa pinto ng ref?

Alam mo ba ang pakiramdam ng isang hand towel na nakasabit sa pinto ng ref? Gusto mo bang malaman? Madali lang.

Umupo ka sa unang upuan pagsampa mo ng jeep habang maulan. Para ma-maximize ang experience na ito, siguraduhing ikaw ang unang pasahero ng jeep at maghintay na mapuno ito. Magtiwala ka – mapa-kamay, bag, at syempre payong – siguradong matutuyo kahit kaunti matapos maipunas sa iyong pantalon. At mula dyan ay malalaman mo ang pakiramdam ng isang hand towel na nakasabit sa pinto ng ref…

No comments: