Thursday, April 13, 2006

Pinoy Style Jelai

Ako ay mapagmahal
Mapagmahal sa pusa...
Mapagmahal sa pagkain...
Mapagmahal sa TV...
At higit sa lahat...
Mapagmahal sa sarili.


Ako ay mahilig
Mahilig kumanta't sumayaw...
Mahilig sa gadgets pati na rin sa video games...
Mahilig tumambay at tumingin sa kawalan...
At higit sa lahat...
Mahilig sa kung anu-anong iba't ibang bagay.


Ako ay mahirap kausap
Lalo na pag inaantok...
Lalo na pag nanonood ng TV...
Lalo na pag humohonky...
At higit sa lahat...
Kapag hindi interesado sa topic.


Ako ay magaling
Magaling magpalusot...
Magaling makalimot...
Magaling mag-google...
At higit sa lahat...
Magaling magmagaling.


Ako ay bobo
Pagdating sa Math...
Pagdating sa Spelling...
Pagdating sa Vocabulary...
At higit sa lahat...
Pagdating sa maraming bagay.


Ako ay matapat
Sa misis ko...
Sa mga kaibigan ko...
Sa mga brand ng gamit na nakasanayan ko na...
At higit sa lahat...
Sa misis ko.


Ako ay ako
Hindi nagpapanggap...
Hindi nagsisinungaling...
Hindi nanggugulang...
At higit sa lahat...
Hindi nang-iiwan sa ere
(Wag na wag lang talagang susubukan).


Ako si Jelaine
Minsan mabait...
Minsan masama...
Minsan malabo...
Pero sa huli...
Lagi pa ring si Jelaine.

No comments: